Bombo Radyo Baguio

Busol Rainwater Harvesting Facility (RHF), patuloy na napupuno sa gitna ng malakas na pag-ulan

BAGUIO CITY — Patuloy ang pagdaloy ng tubig mula sa mga spring box patungo sa Busol Rainwater Harvesting Facility (RHF) sa Barangay Ambiong, Baguio City, ayon sa kuhang video nitong Huwebes, Agosto 6, 2026.

Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng Tropical Depression Luis at Tropical Storm Maymay, unti-unting nare-recharge ang pasilidad habang patuloy na napupuno ang mga imbakan nito.

Ang Busol RHF ay may tinatayang kapasidad na 56 milyong litro ng tubig at idinisenyo upang mangolekta ng tubig-ulan bilang karagdagang suplay para sa lungsod, lalo na sa panahon ng tag-init o kapag bumababa ang produksyon mula sa iba pang pinagkukunan ng tubig.

Inaasahang makatutulong ang pasilidad sa pagpapalakas ng water security ng Baguio sa harap ng pabago-bagong kondisyon ng panahon.

Exit mobile version