Bombo Radyo Baguio

Dagdag na P2 sa pamasahe ng traditional at modernized jeepney sa Baguio City at Benguet, naaprubahan na

Naaprubahan na ang dagdag na dalawang piso sa pamasahe ng mga traditional at modernized jeepney sa Baguio City at Benguet.

Pinag-usapan ito ng iba’t ibang ahensya, kabilang ang Department of Transportation o DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, City Engineering Office, City Administrator, mga stakeholder, at iba’t ibang transport cooperative at korporasyon.

Ang naturang dagdag-pasahe ay itinuturing na temporary voluntary fare increase.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Wilson Bunmay-et Jr., Jeepney Federation President ng Baguio-Benguet, sinabi nito na kakaunti umano ang mga driver na bumibiyahe kapag hindi nadadagdagan ang pamasahe.

Dagdag pa ni Bumay-et, ipinaabot at ipinaalam na nila ang kanilang kahilingan sa mga kapitan ng barangay at mga konsehal ng iba’t ibang munisipyo.

Samantala, para sa mga special trip o espesyal na biyahe, kinakailangan umanong magsumite ng board resolution mula sa barangay, joint resolution ng mga barangay, o resolusyon mula sa transport cooperative o corporation, na ilalakip sa mga dokumentong isusumite sa LTFRB.

Samantala, bukas naman ang tanggapan ng Land Transportation Office o LTO para sa mga reklamo ng mga pasahero, partikular na kung may insidente ng pang-aabuso o paniningil ng labis na pamasahe ng mga driver. | via Bombo Syra Calion

Exit mobile version