Nasugatan nga dalawang sibilyan at isang miembro ng Bureau of Fire Protection dahil sa sunog na nangyari sa Purok 6, New Lucban Extension, Baguio City ngayong araw September 29, 2026.
Ayon kay FSupt Mark Anthony P. Dangatan, City Fire Marshal ng Baguio Bureau of Fire Protection, umabot sa second alarm ang nangyaring sunog. Natanggap naman nila ang report tungkol sa nasabing sunog bandang 8:28 ng umaga na agad naman nilang nirespondehan.
Naidekla namang fire under control bandang 9:10 AM at dineklarang fire out kaninang 9:25AM.
Nasugatan naman ang dalawang sibilyan, isang 37-anyos na lalaki na nakaranas ng multiple burn (noo, kamay at balikat) at 26-anyos na babae na nakaranas naman ng hyperventilation.
Agad din silang itinakbo ang isa a kanila habang tumanggi namang magtungo sa ospital ang isa.
Samantala, isang miyembro naman ng BFP ang nakaranas ng minor injury.
Kasalukuyan pang inaalam ng BFP ang kabuuang danyos a pinagmulan ng sunog.
Ngunit ayon sa nakausap ng Bombo Newteam na isa sa mga witness ng nangyari, posibleng nagmula ang sunog sa likod ng Laundry Shop dahil sa isinasagawang pag-wewelding. //via Bombo Noveh Organo











