--Ads--

Inaasahan na magsisilbi bilang Provincial Election Supervisor ng Mt. Province si Atty. John Paul Martin, dating Election Officer ng COMELEC Baguio.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ni Atty. Martin na sisimulan niya ang tungkulin sa Mt. Province simula Pebrero 2 ngayong taon.

Nagpasalamat siya sa lahat ng naging katuwang ng COMELEC Baguio, kabilang ang media, sa kanilang tulong sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng pagboto, pagpaparehistro, at demokrasya sa lungsod.

Papaltan ni Atty. Martin si Atty. Ricardo Lampac, na pumanaw na. Sa kasalukuyan, nagsisilbi bilang Acting Election Officer ng COMELEC Baguio si Atty. Romeo Aguilar, Regional Election Attorney ng COMELEC-CAR.

Dagdag pa ni Atty. Martin, ipatutupad niya rin sa Mt. Province ang mga inisyatibang ginawa sa Baguio City upang madagdagan ang bilang ng botante at mas maging inclusive ang halalan. | via Bombo Mariele Apat