--Ads--

BAGUIO CITY — Positibo si dating PBA Coach Djalma Arnedo na aarangkada ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Arnedo, sinabi niyang malaki ang tsansa ng Gilas na aabante sa torneo kung maganda ang komposisyon at line-up ng mga players.

Inirekomenda nito ang pagpili sa mga players na maayos ang pisikal na kondisyon at may mataas na commitment sa koponan.

Nabatid na napabilang ang Gilas sa Group D ng 2019 FIBA World Cup.

Makakasama ng Nationals ang Angola, Italy at ang powerhouse na Serbia.