BAGUIO CITY – Inihayag ni dating Boxing Federation at World Boxing Organisation Intercontinental Super Bantamwieght world champion na si “Prince” Albert Pagara na handa niyang labanan ang undisputed Japanese boxing champion na si Naoya Inoue.
Ayon kay Pagara, kung mabibigyan ito ng pagkakataon na labanan ang Japanese champion, magiging madali sa kanya na mag adjust sa gagawing paghahanda dahil kabisado na niya ang galaw ng tinaguriang “The Monster” dahil dalawang beses na siyang kinuha nito para maging sparring partner sa mga nakaraang laban ng undefeated boxer.
Sa katanuyan, napadugo pa ni Pagara ang ilong ni Inoue sa ksagsagan ng kanilang sparring na hindi na inilabas sa publiko.
Sinabi pa ng 28 anyos na tubo ng Maasim, Southern Leyte na kailangan niya ulit magpakundisyon sa kanyang high altitude training dito sa Baguio at Benguet matapos itong malay-off na mahigit isang taon.
Dumating sa Baguio at La Trinidad, Benguet ang tinaguring “The Prince” ng Philippine Boxing noong nakaraang Hwebes at kasalukuyang nag-aadjust siya sa napakalamig na klima.
Hawak ni Pagara ang ring record na 34 wins na may 24 knockouts at isang talo.
Kakapirma nito ng isang boxing contract mula sa Pinoy Prodigy Boxing Promotions na pagmamay-ari ng Cordilleran boxing promoter na si Darwin Miller Dep-ay
Kasalukuyan siyang nageensayo sa tanyag na Highland Boxing Gym na pagmamay-ari ng renowned boxing promoter na si Brico Santig.