--Ads--
Humiling si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court na huwag nang dumalo sa Abril 22 sa pagbasa ng desisyon sa kanyang apela.
Ayon sa dokumentong nilagdaan ng kanyang abogado na si Nicholas Kaufman, kinatawan na lamang siya ng legal counsel.
Ilalabas ang desisyon ng Appeals Chamber sa The Hague, The Netherlands.
Nahaharap si Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang drug war at patuloy ang kanyang legal na laban sa ICC matapos maaresto at ilipat doon noong Marso 2025.











