
Nagpahayag ang defense team ni Vice President Sara Duterte na hindi na nakagugulat ang naging findings ng House Committee on Justice na may probable cause laban sa kanya, batay sa direksiyon ng mga nagdaang pagdinig.
Ayon sa kanilang pahayag, nananatili silang naniniwala na ang proseso ng komite ay lumihis sa disenyo ng Konstitusyon.
Giit ng depensa, sa halip na manatili sa mga verified complaints at mga kalakip nito, pinalawak umano ang proseso sa mga usaping nararapat lamang talakayin sa isang full trial.
Samantala, bumoto kanina ang House Committee on Justice na may probable cause sa impeachment complaint laban kay VP Duterte.
Kabilang sa mga alegasyon ang umano’y misuse of confidential funds, unexplained wealth, at death threats laban sa Pangulo, First Lady, at dating House Speaker.
Sa mga naunang pagdinig, ipinrisinta ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang ulat ng P6.7 bilyong transaksyon na umano’y hindi tumugma sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mag-asawa.
Ang naturang findings ng probable cause ay magdadala ng impeachment case sa plenaryo ng Kamara, at kapag naaprubahan, lilipat ito sa Senado para sa impeachment trial.










