--Ads--

Hinihimok ng DOH-Cordillera ang lahat ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga sanggol laban sa rubella at tigdas.

Ayon kay Joycelyn Rillorta, Nurse V ng DOH-CAR, nakatutulong ang pagbabakuna sa mga sanggol dahil ito ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng congenital disease.

Layunin ng DOH-Cordillera na mabakunahan ang humigit-kumulang 150,000 bata, lalo na ang mga limang taong gulang pababa, sa rehiyon ng Cordillera.

Dagdag pa niya, magsasagawa sila ng supplemental immunization activity sa mga komunidad sa rehiyon. Kaya naman hinimok niya ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maprotektahan sila laban sa tigdas at rubella. Tiniyak din niya na epektibo at ligtas ang mga bakuna.