Plano ng DTI-Cordillera Administrative Region na dalhin ang kanilang Diskwento Caravan sa iba’t ibang munisipyo upang mas maraming mamimili ang makinabang sa mas murang pangunahing bilihin at prime commodities.
“We have two regular Diskwento Caravan activities every year — during the school opening and Christmas season but we are waiting for directives from the central office for the conduct of more activities.”
Assistant Director Samuel Gallardo
“Makakatulong din kasi ito sa mga kababayan natin dahil hindi lang ilalapit sa kanila ang bilihan, may discount pa.”
Assistant Director Samuel Gallardo
Ayon kay Assistant Director Samuel Gallardo, karaniwang ginaganap ang dalawang Diskwento Caravan kada taon — sa pagbubukas ng klase at Pasko — ngunit naghihintay sila ng direktiba mula sa central office para sa karagdagang aktibidad. Nagbibigay ito ng 5–10% na diskwento sa mga produkto.
Noong 2025, umabot sa 44 ang ganitong aktibidad sa rehiyon, na nakalikom ng PHP13.8 milyon at nakatulong sa 17,036 na mamimili.
Ani DTI-CAR Director Raymond Panhon, patuloy ang pakikipag-partner sa suppliers at distributors para sa mas abot-kayang presyo at pinapalakas ang pagbabantay laban sa hoarding, profiteering, at iba pang unfair trade practices.









