--Ads--

BAGUIO CITY-Nakapagtala ang bansang South Korea ng E.Coli bacteria outbreak sa gitna ng pagtaas ng kaso ng covid-19 sa nasabing bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Bombo International Correspondent Ruel Toquero, sinabi niya na umabot sa 100 na preschoolers at isang guro sa Jeju-do Province, South Korea ang nahawaan sa iti E. coli bacteria ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon sa kanya, bigla ang pagkalat ng nasabing sakit pagkatapos na nadiskobre ang kaunahang pasyente noon Hunyo 18.

Dagdag niya na sinabi ng isang opisyal sa isang house center doon na aabot sa 31 ang naitakbo sa hospital kung saan karamihan sa kanila ay nakitaan ng kidney failure pagkatapos nahawaan ang mga ito ng nasabing sakit.

Dahil dito, umaapela ang mga otoridad doon sa mga nagkaroon ng nasabing sakit na mag self-isolate sa kanilang kabahayan dahil delikado at nakakatakot na madaling mahawa ang isang indibidual sa pamamagitan ng close-contact gaya ng covid-19.

VC TOQUERO [ANG TINIG NI Bombo International Correspondent Ruel Toquero]