--Ads--

Nasungkit ni Dae Yeong Joo ng Gapyeong Cycling Team mula sa South Korea ang Final Ranking para sa Individual General Classification ng MPTC Tour of Luzon na nagtapos sa lungsod ng Baguio.

Dahil dito ay iuuwi ni Dae Yeong Joo ang P1-M na cash prize.

Samantala, para sa Stage Classification ng Stage 8 o Linggayen, Pangasinan hangang sa siudad ng Baguio, nasungkit ni Joshua Pascual mula sa Excellent Noodles Cycling Team ang unang pwesto, second place naman si Jan Paul Morales mula sa Standard Insurance Philippines at 3rd place naman si Jonel Carcueva ng MPT Drivehub Cycling Team.

Sina Pascual, Morales at Carcueva ay pambato ng pilipinas sa nasabing event.

Matagumpay na nagtapos ang Tour of Luzon dito sa siudad ng Baguio kahapon.

Sa nasabing kompitision, nasubok ang stamina at endurance ng mga seklista.

Mahigit kumulang na isang libo na kilometro ang tinakbo ng mga riders na nagsimula sa Laog City, Ilocos Norte patungo dito sa siudad ng Baguio.

Ang Stage 1 ay nagsisimula sa Laog City hanggang sa Pagudpod; ang stage 2 naman ay mula Laog City hangang sa Vigan City; Stage 3 Vigan City hanggang sa Agoo La Union; Stage 4 Agoo to Clark Mc Arthur Highway; Stage 5 Clark to Clark; Stage 6 Clark to Lingayen; Stage 7 Lingayen to Lingayen at Stage 8 Lingayen hanggang sa Baguio City.

Kung maa-alala, taong 1955 nag magsimula ang Tour of Luzon, naihinto ito noong 1998 at muli nanamang itinuloy noong 2002.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Arrey Perez Tour Executive Director & MPTC CRO sinabi niyang, matindi ang paghahanda nila para sa naturang kompetision.