--Ads--

Tatanggapin ng Hollywood actor, direktor at producer na si George Clooney ang Lifetime Achievement Award sa Venice Film Festival ngayong taon, ayon sa mga organizer.

Nagpasalamat si Clooney sa pagkilala at pabirong sinabing senyales na rin ito ng kanyang pagtanda.

Gaganapin ang film festival mula Setyembre 2 hanggang 12, kung saan pangungunahan ni actress Maggie Gyllenhaal ang hurado.

Nakilala si Clooney sa seryeng ER bago bumida sa iba’t ibang pelikula, kabilang ang Syriana, na nagkaloob sa kanya ng Academy Award bilang Best Supporting Actor.