--Ads--

Tiniyak ng Malacañang ang stabilty ng gobyerno sa kabila nga isyu sa health condition at impeachment issues laban kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, aktibo pa ring nagtatrabaho ang pangulo at sa kasalukuya’y nag-aaral ng mga report at mahahalagang dokumento upang updated ito sa mga usapin ng pamahalaan. 

Sinabi din ni Usec. Castro na hindi nagbabakasyon ang Pangulo at nagpasaring pa ito na hindi katulad ng iba si Pangulong Marcos na bakasyon laman nga nasa isip.

“ Nakita ninyo naman po ang Pangulo, kahit po sinasabi ng doktor na kailangan niyang maghinay-hinay, patuloy po ang Pangulo sa pagtatrabaho. Hindi po nagbabakasyon ang Pangulo; kahit po kailangan niyang mamahinga, nandoon pa rin po nagbabasa ng mga briefer, ng mga briefs na dapat niyang alamin para po siya ay updated. So, nakita po natin kung gaano kasipag ang Pangulo. Hindi po sanay ang mga kababayan natin na nakikita ang Pangulo na nagri-relax, hindi tulad noong iba,” pahayag ni USec. Claire Castro. // via Bombo Karen Calpoe Sapirao