--Ads--

Baguio City- Nanatiling nasa una ang Green Water II sa Men’s Regular A division matapos makapagtala ng 231 na puntos sa loob ng dalawang round sa pagpapatuloy ng 4th Cordillera Golfers Foundation Inc.
na isinagawa sa John Hay Golf Club at Pinewoods Golf Club.

Pinangunahan ni George Punasen ang kanyang koponan sa led 37 points habang ang magkapatid na Douglas at Garry Puckett ay naka ambag ng 27 at 28 points. Nakaambag naman ng 22 points si Sonny Fontilla.

Samantala nakadikit din Davao Eagle Masters III na binubuo nila Cris Tan, Rod Lo, Regino Capa, at Larry Baluso, ay nakapuntos ng 217 points

Nasa ikatlong pwesto naman ang Baguio Jungolf Association team nila Marco Angheng, Nathan Belandrez, Sebastian Saycon, at William Sulit matapos makakuha ng 197 points.

Sa Regular B division, nangunguna ang Team Mankayan nila Ramon Alimba, Donald Daganos, Daniel Mangallay, at Henry Rosito sa iailag 83 points pagkatapos ng Round 2.

Sa iba pang division, dinomina ng Kalinga Mountaineers-Jubilla ang Regular D na binubuo nila Jeff Peralta, Jason Plan, Jaime Ramirez, at Tristan Tolentino Regular D sa kanilang 174 points, habang ang Summit Mountaineers nila Duane Bagayao, Robert Salicob, Ralph Sarol, at Ryan Sarol na nakalikom ng 170.

Sa Seniors A, nanguna ang 3K Immipugo nila Jun Adaci, Charles and John Baguilat, at Harry Paltongan na may 320 points, habang nakadikit ang Golden Razcals nila Elias Bulut Jr., Bernard Capuyan, Don Dela Torre, Swanny Mangaoang, at Kit Moreno sa kanilang 317 points.

Ang Pugo Adventure nila Eugene Martin, Willy Cayat, Robert Basco, at Cesar Pasiwen ang bida sa Seniors B matapos napapagtala ng 318 points at sinundan ng Fairway Strickers na binubuo nila Joseph Dango, John Fomaneg, Aldrin Osha, at Nap Rosito na may 298.

Sa Seniors D, nagpakitang gilas ang Ropali-IGC nila Nanding Ambatali, Romy Cua, Taby Joson, at Larry Tumaliuan sa kanilang 209 points, kung saan nasa ikalawang pwesto angPhilex Golf Team B na may 198.

Ang Baguio Olympics 1 nila Carmela Bumactao, Demma Dulnuan, Angel Ruth Gonzales, at Annika Molintas ang nangunguna din sa Ladies division matapos makaiskos ng 190 points na sinundan ng Igolfers USA 13 nila Marceline Bangonan, Vivian Gomeyac, Gloria Moguet, at Kim Telles sa kailang 184 points.