BAGUIO CITY – Halos isang libong residente at bisita ang nakatikim ng “Paella a la Cordillera,” isang uri ng pagkain na naitampok sa culminating activity ng Farmers’ and Fisherfolk’s Month celebration sa Melvin Jones Grandstand, Burnham Park, Baguio City.
Kabilang sa mga sangkap ng “Paella a la Cordillera ay ang heirloom rice, isang uri ng bigas na puno ng nutrisyon; pinunog o blood sausage; kiniing o smoked meet at highland vegetables.
Aabot sa dalawamput dalawa na chef mula sa siyudad ng Baguio, National Capital Region, Cavite, Pampanga at iba pang lugar sa bansa ang nagtulong-tulong para makagawa ng higanteng “Paella a la Cordillera.”
Maliban sa pagluluto ng “Paella a la Cordillera”, naitampok rin sa nasabing aktibidad ang Fish deboning/smoking, Crop’s Grafting, Pet Vaccination, Animal Fun Show at marami pang iba.
Layunin ng nasabing aktibidad na bigyang pugay ang mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon Cordillera sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga local ingredients gaya ng indigenous rice varieties mula sa ibat-ibang probinsiya sa rehiyon.