--Ads--
Ipinaliwanag ni Atty. Edgar Avila, isang legal luminary at dating Dean ng College of Law ng Saint Louis University, na nananatili ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga Pilipinong pinaniniwalaang nakagawa ng krimen bago pa man umatras ang Pilipinas mula sa ICC.
Sa panayam ng Bombo Radyo, binanggit niya ang naging desisyon ng Supreme Court of the Philippines, partikular sa kasong Pimentel vs. Cayetano, bilang batayan ng naturang pananaw.
Naniniwala rin si Atty. Avila na may layunin ang mga kaalyado ni Ronald “Bato” dela Rosa na protektahan siya upang hindi maisuko sa ICC.










