--Ads--

Sang-ayon ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) – Cordillera sa mungkahi ni ACT Teachers Rep. France Castro na maibalik ang dating school calendar matapos maiulat na may negatibong epekto ang mainit na panahon sa kalusugan ng mga guro at mag-aaral.

Sa halip na Agosto ang pasukan at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante ay maibabalik ang Hunyo at Marso na school calendar.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Jeanette Cawiding, ACT – Cordillera Regional Coordinator, naaakma ang dating school calendar sa rehiyon dahil nahihirapan ang mga guro at mag-aaral sa dry season.

Samantala, pabor rin ang Parent Teachers Association Regional Federation President – Cordillera na nasabing suhestiyon.

Sinabi ni Atty. Ronald Perez na hindi dapat gayahin ang school calendar ng ibang bansa dahil magkaiba ang klima doon kung ikukumpara sa Pilipinas.