--Ads--
Sandi Menchi Abahan, Obstacle Course Racing gold medalist ng 30th SeaGames at tinaguriang Asia’s Circcuit

BAGUIO CITY–Muling umapela sa pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Philippine National Team na ibigay sa kanila ng buo ang naantalang allowances sa mga nagdaang buwan.


Sa panayam ng Bombo Radyo kay Sandi Menchi Abahan, Obstacle Course Racing gold medalist ng 30th SeaGames, sinabi niya na hindi pa sa kanila ibinibigay ang dapat na allowance noong Hunyo.
Dagdag pa ng Trailrunner Champion na naantala pagbabahagi ng gobyerno sa stipend ng mga atleta mula Marso hanggang Mayo


Mabuti na lang daw at tuloy-tuloy ang suporta ng Obstacle Course Racing Federation na kanyang kinabibilangan kung saan ibinigay nila ang tulong na dapat sana raw ay ipapamahagi ng gobyerno.


Ayon sa batas, makakatanggap sana ng ₱45,000 monthly allowance ang mga Platinum athletes, ₱40,000 sa mga Class A at ₱30,000 sa mga Class B na atleta.

Una na ring sinabi ng POC na mababawasan ang mga allowance ng mga national athletes para mailaan sa mga apektado nga COVID-19 pandemic.


Ayon pa sa tinaguriang Asia’s Circuit Queen na tubong Baguio City, sana raw ay maging patas a National Sport Agency sa mga miyembro nito dahil hindi naman raw inaasahan ang paglaganap ng virus sa buong mundo.
Muli pang iginiit ng Multi-talented trail Runner na nakadepende ang kanilang karera sa suportang ibinibigay ng gobyerno at ito umano ang kanilang pangunahing pamumuhay.