--Ads--

Hiniling ng University of Baguio sa lahat ng estudyante na magsuot ng facemask habang nasa loob ng kampus upang maiwasan ang pagkalat ng superflu.

Ayon sa direktiba ng unibersidad, ang pagsusuot ng facemask ay obligatoryo sa lahat ng nasa loob ng paaralan, lalo na sa mga nakararanas ng respiratory discomfort, batay sa payo ng Baguio City Health Services Office (CHSO), University Risk Management Office (RMO), at UB Medical and Dental Clinic.

Binigyang-diin ng unibersidad na kalusugan at kaligtasan ng buong komunidad ng UB ang pangunahing prayoridad, at ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang preventive measures laban sa posibleng outbreak ng respiratory illness. | via Bombo Karen Sapirao