--Ads--

Nagdulot ng kalituhan sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang mga pinakahuling abiso tungkol sa halalan ng Peoples Mandatory Representative (IPMR), matapos maglabas ng serye ng paalala ang National Commission on Indigenous Peoples–Cordillera (NCIP-Cordillera).

Nag-ugat ang isyu sa Seksyon 9 ng alituntunin sa IPMR, partikular ang probisyon na idiskwalipika ang mga kandidatong tumakbo at natalo sa isang halalan. Nagkaroon ng iba’t ibang interpretasyon kung paano mabibilang ang tatlong taong diskwalipikasyon, na nagdulot ng kalituhan sa mga katutubo kung sino ang maaaring i-nominate.

Ayon sa paliwanag ng NCIP Central Office, ang tatlong taong disqualification ay nalalapat lamang sa mga indibidwal na tumakbo at natalo sa isang pambansa o lokal na halalan, at patuloy itong binibilang mula sa petsa ng nasabing halalan.

Nilinaw ng NCIP na ang paglilinaw na ito ay lutas sa kalituhan na nilikha ng mga nakaraang abiso, at kinukumpirma ang probisyon upang maiwasan ang paggamit ng posisyon ng IPMR bilang alternatibo o “fallback” para sa mga talunang kandidato sa halalan.