Nananatiling seryosong isyu sa kalusugan ng publiko ang kanser sa atay matapos itong maitalang ikalimang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Baguio City noong nakaraang taon.
Ayon kay Dr. Ana Marie Banta, Cancer Prevention and Control Program Manager ng City Health Services Office, ang liver cancer ang ikalimang nangungunang sanhi ng kamatayan sa lungsod, kasunod ng kanser sa baga, suso, utak, at colon.
Gayunpaman, pagsapit ng 2025, muling umangat ang kanser sa atay bilang ikalimang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga residente ng lungsod, na mas mataas kumpara sa kanser sa suso, dugo, colon, at baga.
Dahil sa huli o late detection, nananatiling isa sa mga prayoridad na alalahanin sa kalusugan ang kanser sa atay.
Ipinaliwanag ni Dr. Banta na ang sakit sa atay ay hindi lamang nakaaapekto sa isang bahagi ng katawan kundi sa kabuuang kalagayan ng pasyente, at maaaring maging banta sa buhay kung hindi maagapan.
Kabilang sa mga pangunahing salik ng panganib na malakas na iniuugnay sa kanser sa atay ang malubhang impeksyon sa hepatitis B at C, cirrhosis, at pangmatagalang sakit sa atay tulad ng diabetes, metabolic dysfunctionβassociated steatotic liver disease, labis na pag-inom ng alak, at iba pa.
Pinayuhan ni Dr. Banta ang mga residenteng nakararanas ng patuloy o lumalalang sintomas na agad na magpasuri at humingi ng payong medikal.
Bilang pag-iwas, inirerekomenda ang pagpili ng malusog na pamumuhay, pagpapabakuna laban sa hepatitis B, at regular na konsultasyon sa mga healthcare provider para sa liver cancer screening, lalo na sa mga indibidwal na kabilang sa mas mataas na panganib.








