--Ads--

BAGUIO CITY – Hiling ngayon ng kilusang Mayo Uno dito sa Cordillera na dapat nang aprobahan ng gobyerno ang P750 na daily minimum wage sa rehiyon.

Ayon sa grupo, Hindi sapat Ang P430 na minimum wage sa Cordillera lalo na’t payuloy Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Kaugnay nito, Hindi Naman nagsagawa ng protesta ang grupo ng mga manggagawa sa lungsod ng Baguio ngayong araw maliban lamang sa protesta at caravan na isinagawa ng progresibong grupo laban sa jeepny modernization program sa deadline ng jeepney consolidation kahapon.

Samantala, Sunod-sunod ang pagdagsa ng mga job seekers para sa 122nd Labor Day Jobs Fair na ginaganap ngayon sa Baguio Convention Center at sa Isang kilalang mall sa lungsod ng Baguio sa obserbasyon ng Labor Day ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Daryll Ponard, Public Information Officer ng Department of Labor and Employment – Cordillera, mahigit 2,000 na bakanteng trabaho ang iniaalok sa mga publiko lalo na sa mga naghahanap ng trabaho.

Kabilang sa mga serbisyong maaaring ma-access ng mga aplikante ay ang government services, food industry, hospitality industry, retail industry, educational related services, contruction at iba pang serbisyo.

Una ng nagpaalala ang Department of Labor and Employment – Cordillera sa mga aplikante na ihanda ang mga kinakailangang dokumento at maging presentable sa aplikasyon.

Sa nasabing aktibidad, naiaalok din ang iba pang mga serbisyo at aktibidad gaya ng KADIWA ng Pangulo, Government One Stop Shop, legal counseling, health and wellness activity, livelihood awarding, TUPAD payout, ken Government Internship Program (GIP) payout.