Nagsimula noong nakaraang buwan ang phase 1 ng konstruksyon ng bagong Baguio City Jail Male Dormitory sa Baguio City.
Ayon kay Jail Chief Inspector Dexter B. Ngipol, City Jail Warden ng Baguio City Jail Male Dormitory (BCJMD), walang problema kaugnay ng kasalukuyang konstruksyon.
Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang phase 1, at nakikipag-konsultasyon ang Baguio City Jail sa mga konsehal ng lungsod hinggil sa budget para sa paggawa ng kalsada na bahagi ng proyekto. Ipinahayag din niya na may 120 panchon na posibleng maapektuhan ng konstruksyon.
Ang gusali ay may pitong palapag at kayang tumanggap ng humigit-kumulang 370 lalaki at 110 babae na pinagkaitan ng kalayaan.
Pinondohan ang proyekto sa ilalim ng Fiscal Year 2025 General Appropriations Act na may halagang P419.6 milyon.|via Bombo Noveh Organo











