--Ads--

BAGUIO CITY-Napahintulutan ang kontrobersiyal na basketaball player ng University of Baguio (UB) na maglaro sa 31st Season ng Baguio-Benguet Educational Athletic League (BBEAL).

Ito ay sa kabila ng lifetime ban na naipataw sa nasabing player dahil sa pangunguna nito sa karahasan sa semi-finals game ng men’s basketball sa pagitan ng UB Cardinals at Baguio College of Technology (BCT) Atoms noong nakaraang taon.

Ayon kay Michael Humiding, sports coordinator ng host school sa 2017 BBEAL, kabilang sa line-up ng UB Cardinals ngayon taon si Samuel Ian Seña.

Aniya, ngayong season ay maaari nang maglaro ang nasabing player dahil suspension lamang ang naipataw na kaparusahan dito at hindi naman lifetime ban.

Sinabi ni Humiding na sa unang laro lamang ng Cardinals ngayong season ang hindi maaaraming paglaruan ni Seña bilang parusa nito na kaayon ng constitution and by-laws ng BBEAL.

Nagpaalala ang coordinator sa mga atleta at coaches tungkol sa tamang paggawi pagdating sa sports para maiwasan ang parehong insidente.

Maaalalang nagkagulo ang dalawang grupo nang sinadya ni Seña nai-backhand si Kram Domingo mula BCT Atoms at makikita sa video na halos sinugod ng UB Cardinals ang kalaban nilang grupo sa kanilang paghaharap noong nakaraang taon.