--Ads--

BAGUIO CITY – Dinala na sa lungsod ng Baguio ang labi ng army major na kasapi ng military intelligence operative na nasawi sa pananambang sa Marawi City noong nakaraang linggo.

Una nang nakilala ang military official na si Major Jerico Pasas Mangalus, may asawa, tubo ng Pampanga at residente ng Asin Road, Baguio City.

Napag-alamang ilalagak ang bangkay nito sa Philippine Military Academy (PMA) hanggang bukas bago ito dadalhin sa Pampanga sa Miyerkules.

Una rito, nakasakay sa Crosswind SUV ang tatlong miyembro ng Intelligence Service of the Armed Forces-Military Intelligence Group-10 at magsasagawa sana sng intelligence operation nang tambangan sila ng mga pinaniniwalaang kasapi ng Maute Group sa Barangay Lilod Madaya.

Nagtagal ang putukan ng halos 10 minuto na nagresulta sa agarang pagkasawi nina Major Mangalus at Corporal Bryan Libot habang nasugatan naman si Corporal Rolando Cartilla.

Si Major Mangalus ay miyembro ng PMA “Banyuhay” Class of 2002, nakapag-asawa ng isang Igorota kung saan biniyayaan sila ng dalawang anak.