--Ads--

Sinalubong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang labi ni Captain Dean B. Oyando sa headquarters ng 503rd Infantry Brigade sa Calanan, Tabuk City, Kalinga ngayong araw, Abril 1, 2026.

Dumating ang labi ng batang opisyal sakay ng isang Black Hawk helicopter at personal na tinanggap ng kanyang pamilya sa flightline, kasama si Governor James S. Edduba.

Si Scout Ranger Oyando ay nasawi habang pinamumunuan ang 68th Infantry Battalion sa isang pursuit operation laban sa mga miyembro ng New People’s Army noong Marso 29, 2026 sa Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro.

Nauwi ang operasyon sa halos 20 minutong sagupaan laban sa tinatayang 15 rebelde, kung saan nasawi ang nasabing opisyal.

Inaasahang dadalhin ang kanyang labi sa kanilang tahanan sa Purok Datu, Bulanao Norte, kung saan siya bibigyan ng huling parangal ng kanyang pamilya at komunidad.