--Ads--
Camp 5 Kennon road Benguet

BAGUIO CITY-Nabigyan ng labing limang araw na palugit ang may – ari ng limamput syam na straktura sa kennon road para idemolish ang kanilang mga bahay o establishmento sa Camp 7 Kennod Road Baguio City.

Ito ay pagkatapos na dineklara ng Lokal na gobyerno ng syudad ng Baguio na may mga istruktura sa nasabing lugar na hindi ligtas sa mga residente.

Ang mga nasabing estruktura ay makikitang mapanganib lalo na sa panahon ng tag-ulan at makikitang gawa lamang sa light materials ang mga ito.

Bukod pa dyan, Hindi naman bababa sa dalawampu’t na estruktura ang itinayo sa loob ng creek basement ng Bued River, isang protektadong lupa sa ilalim ng Environmental Code ng Lungsod ng Baguio.

Sinabi ng lokal na pamahalaan na ang mga istruktura ay itinayo sa loob ng pampublikong lupain, at napag-alamang na-tress pass ang road-right-of-way.

Napag alaman din na ginagamit ng mga may-ari ang mga istruktura para sa kanilang negosyo na walang kaukulang business permit.

Hiling naman ng lokal na gobyerno sa mga may-ari ng nasabing estruktura na gibain na lamang ito kaysa magdulot pa ng disgrasya o pinsala.

Ang ilan naman sa mga nakatira ay sumang-ayon sa maximum na labing limang araw na palugit para tanggalin nila ang kanilang mga istraktura.

Samantala, nangako naman ang lokal na gobyerno ng syudad na bigbigyan ang mga residente sa lugar na maapektuhan ng livelihood assistance sa pamamagitan ng skills training ng Department of Social Welfare and Development.