--Ads--

Pinangunahan ni Lionel Messi ang matinding pagbabalik ng Argentina matapos baligtarin ang dalawang gol na kalamangan ng Egypt at manalo, 3-2, sa kanilang Round of 16 match sa World Cup.

Nauna ang Egypt sa bisa ng mga gol nina Yasser Ibrahim at Mostafa Zico, habang nasayang ni Messi ang isang penalty kick sa unang bahagi ng laro.

Ngunit nagawang bumawi ng Argentina sa huling mga minuto sa pamamagitan ng mga gol nina Cristian Romero, Messi, at Enzo Fernandez, na umukit ng game-winning goal sa stoppage time upang maitawid ang defending champions sa quarterfinals.

Sa kabila ng ilang mahahalagang save ni Egyptian goalkeeper Mostafa Shoubir, hindi napigilan ang huling ratsada ng Argentina, na nakatakdang harapin ang mananalo sa laban ng Colombia at Switzerland sa susunod na yugto.