Posibleng ma-revoke ang lisensya ng 31-anyos na driver ng isang colorum van na hinabol ng mga miyembro ng Land Transportation Office (LTO) sa Kennon Road noong Linggo.
Ayon kay dating PBGen. Glenn G. Dumlao, kasalukuyang Regional Director ng Department of Transportation – Cordillera, kinasuhan ang driver ng paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o “Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Their Agents.”
Bukod dito, sinampahan din siya ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property matapos masira ang ilang bahagi ng sasakyan ng LTO.
Samantala, nakalaya ang driver sa piyansang P2,000 noong Pebrero 2, 2026.
Nabigyang-diin na residente ng Fairview, Quezon City ang driver. Kinamat ng mga enforcer ng LTO ang driver matapos tangkaing patigilin ang van, ngunit hindi ito sumunod, dahilan upang habulin ito ng mga awtoridad. Ayon sa ulat, hindi nagreklamo ang mga pasahero sa insidente.
Dagdag pa, nadiskubre na may iba pang kasong kinakaharap ang driver sa iba’t ibang lugar, kabilang ang illegal na pagmamaneho ng private o colorum vehicle, obstruction of traffic, reckless driving, at motor without helmet.| via Bombo Noveh Organo




