BAGUIO CITY – Mahigit 17,000 na botante sa Baguio City ang na-deactivate o natanggal sa listahan ng Commission on Elections matapos mabigong makaboto ng dalawang beses.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Atty. John Paul Martin, Election Officer ng Commission on Elections – Baguio, ipinaalam na sa mga kinauukulang barangay officials na hanapin at iberipika ang mga deactivated names sa database dahil posibleng pumanaw ang mga ito , nasa abroad o lumipat sa ibang lugar.
Samantala, aabot naman sa 3,603 na botante sa lungsod ang nagparehistro mula noong nagsimula ang voter’s registration noong Pebrero 12 hanggang Marso 31 para sa 2025 local at national elections.
Ayon kay Atty. Martin, 56% ng mga nagparehistro ay nasa edad labing walo hanggang tatlumpu.
Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga bagong botante sa susunod na buwan kasunod ng mga ipinapatupad na offsite registration program.
Base sa listahan, bumaba ang bilang ng mga botante sa lungsod na umaabot sa 151,000 kung ikukumpara sa 161,000 na dating bilang.
Kaugnay nito, inaasahan naman ng Commission on Elections – Baguio na bibisita sa City of Pines si COMELEC Chairman George Garcia para sa off site registration at register anywhere na isasagawa sa Philippine Military Academy Fort Del Pilar sa BUWAN NG hULYO ng kasalukuyang taon.