--Ads--

Makukulay at naggagandahang bangka ang nagpakitang gilas sa isinagawang Fluvial Parade sa Burnham Lake, Baguio City kahapon.

Ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Panagbenga Festival sa City of Pines.

Walong float concessionares ang nagtagisan habang apat naman na float concessionares mula Baguio Tourist Police Unit at Local Government Unit of La Trinidad, Benguet ang nakisali at nakisaya sa nasabing parada.

Tampok sa fluvial parade ang makukulay at ibat-ibang klase ng mga bulaklak na naidisenyo sa mga bangka na hango sa Cordilleran Tradition. Mula sa walong float concessionares, tatlo lamang ang nabigyan ng cash prize.

Itinanghal bilang kampeon ang bangkang sumisimbolo sa pagiging ‘welcoming’ ng city of pines sa mga bisita na nakatanggap ng P20,000 cash prize. Kita kasi sa disenyo nito ang ‘Welcome arch’ na nagsisilbing simbolo sa pagiging mapagkaibigan ng lungsod sa mga bisita.

Itinanghal bilang 2nd placer ang bangkang hango sa Hagdang-hagdang palayan ng Banaue na nabigyan ng P15,000 cash.

Naibigay naman ang P10,000 cash bilang 3rd prize sa bangkang sumisimbolo sa kultura ng Cordillera partikular ang tinatawag na CaƱao o pagkatay ng hayop bilang pasasalamat.

Samantala, labis ang tuwa ni Vivian Celso, ang may-ari ng bangka na nagkampeon, dahil nabigyan sila ng pagkakataon na sumali sa mga aktibidad ng Flower Festival.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang paghahanda ng lokal na pamahalaan para sa mga susunod na highlights ng Panagbenga Festival partikular ang Grand Street Dance Parade sa Pebrero baente kwatro at ang Grand Float Parade sa Pebrero baente singko kasalukuyang taon.