--Ads--

Baguio City — Matapos ang mahigit pitong taon, namulaklak na ang isa sa mga Sakura tree, na mas kilala bilang Cherry Blossoms, sa loob ng Baguio Country Club (BCC).

Ang mga punong ito ay donasyon ng mga Japanese nationals na sina Shinji Okomora at Shigeru Tsunashima, katuwang ang miyembro ng BCC na si Paz Suzuki. Karaniwang matatagpuan ang mga Sakura sa mga bansang may malamig na klima tulad ng Japan.

Bago itinanim ang mga halaman ay inangkat at sumailalim sa masusing inspeksyon ng Bureau of Plant Industry, dumaan sa legal na proseso sa Bureau of Customs, at isinailalim sa quarantine alinsunod sa mga patakaran.

Aabot sa labingwalong Sakura plants ang itinanim sa loob ng club, at sa kauna-unahang pagkakataon ay namulaklak ang isa sa mga puno matapos ang ilang taon ng paghihintay.

Umaasa ang pamunuan ng Baguio Country Club na sa patuloy na pagbaba ng temperatura sa lungsod, tuluyan ring mamulaklak ang iba pang Cherry Blossoms.//via Bombo Jordan Tablac