--Ads--

Nasa Senado ang pagpapasya kung pagbibigyan ang kahilingan ng House prosecution panel na magpalabas ng subpoena upang piliting tumestigo si Vice President Sara Duterte sa sarili niyang impeachment trial.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nakasalalay sa Senado kung papayagan ang kahilingan ng prosecution na ipatawag si Duterte sa witness stand upang linawin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Sinabi rin ni Castro na posibleng kaya nais ng prosecution na ipatawag ang Bise Presidente ay dahil siya mismo ang nagpahayag noon na nais niyang magkaroon ng “bloodbath” at handa siyang humarap upang sagutin ang mga isyu laban sa kanya.

Samantala, sinabi ni impeachment court spokesperson Regie Tongol na maaaring magkaroon ng oral arguments kung hihiling ang prosecution panel ng subpoena para piliting dumalo si Duterte sa paglilitis.