Bombo Radyo Baguio

Mayor Magalong, hinimok ang pag-iwas sa “padrino” at “utang na loob” system

Hinimok ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pamahalaan na iwasan ang tinatawag na “padrino” at “utang na loob” system.

Ayon kay Mayor Magalong, sa isang pahayag sa kanyang social media page, panahon na umanong magpatupad ng mga sistema na maglilimita at pipigil sa paghingi ng anumang pabor mula sa mga pulitiko kapalit ng boto.

Binanggit din ng alkalde na ang mabuting pamamahala ay nagsisimula sa loob mismo ng mga tanggapan ng gobyerno, kung saan dapat magbigay ng patas, tapat, at walang kinikilingang serbisyo sa publiko. | via Bombo Karen Sapirao

Exit mobile version