--Ads--

Nagsimula na ang mga organisasyong kalahok sa Grand Floral Float Parade sa pag-assemble o pagbuo ng kani-kanilang mga entry.

Ayon sa isang kalahok, na nakapanayam ng Bombo Radyo, sinimulan na nilang gawin ang mga float noong huling linggo ng Enero, kung saan ang ilan ay halos tapos na ang kani-kanilang mga framework.

Dagdag pa niya, dalawa hanggang tatlong float entries ang kanilang gagawin bilang isang organisasyon.

Kumpiyansa rin siyang matatapos ang kanilang mga float bago ang parada sa Marso 1.

Sa kasalukuyan, wala pa naman umano silang nararanasang malaking hamon maliban sa malamig na panahon.

Samantala, wala pang opisyal at pinal na bilang ng mga entry para sa Grand Floral Float Parade. | via Bombo Noveh Organo