--Ads--
Pinangunahan ni Papa Leo ang isang candlelight service sa Colosseum sa Roma nitong Biyernes Santo, kasama ang libu-libong Katoliko.
Nag-alay sila ng panalangin para sa mga ulila sa digmaan at mga batang imigranteng ipinatapon, habang nagbabala ang papa na mananagot sa Diyos ang mga pinuno ng mundo sa kanilang mga desisyon.
Sa tradisyunal na Via Crucis o Daan ng Krus, binigyang-diin ang kapayapaan at katarungang panlipunan, kabilang ang panalangin para sa mga refugee, biktima ng trafficking, at mga nasawi sa mga sigalot.
Ang Biyernes Santo ay bahagi ng paghahanda ng mga Katoliko para sa Linggo ng Pagkabuhay, kung saan inaasahang magbibigay ng mahalagang mensahe ang papa.











