Nasa kustodiya na ang dalawang suspek sa pamamaril sa isang 29-anyos na empleyado ng motel sa Dagupan, Tabuk City, Kalinga.
Ito ay kasunod ng kanilang boluntaryong pagsuko noong Pebrero 4, 2026.
Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas-3 ng umaga, malapit sa receiving area ng motel. Makikita sa CCTV ang dalawang suspek na pumasok sa gusali at lumabas pagkatapos pagmasdan ang natutulog na biktima.
Makalipas ang ilang minuto, nagising ang biktima at nagtungo sa banyo bago bumalik sa pagtulog. Ilang sandali lang ang lumipas, tumalikod ang isa sa mga suspek bago pinagbabaril ang biktima sa tiyan.
Agad na naisugod sa ospital ang biktima, ngunit sa kasamaang palad ay binawian na siya ng buhay.
Kasalukuyang nahaharap sa kaso ang dalawang suspek.










