Baguio City – Inihayag ng City Engineering Office na itatayo na ang isang one-storey parking building na may basement at multi-level mechanized parking sa Ganza area upang madagdagan ang parking spaces sa central business district.
Ayon kay Acting Assistant City Engineer Rodrigo Sam Martinez, ang orihinal na plano ay collapsible parking structure, ngunit pinalitan ito ng modernong multi-level mechanized design na karaniwan na sa Metro Manila.
Kasalukuyang isinasagawa ang paghahanda ng plano na isasailalim sa bidding process. Inaasahang makaka-accommodate ito ng 400–600 sasakyan. Tinatayang aabot sa ₱600 milyon ang kinakailangan para sa proyekto.
Dati, ang Ganza parking area ay pinamamahalaan ng Jadewell Parking Systems noong early 2000s. Sa kasalukuyan, ang city government ang nag-ooperate ng pay parking, na ang kita ay direktang pumapasok sa city coffers.
Gagamitin ang design-and-build mode upang matiyak na kwalipikadong contractors ang magpapatupad ng proyekto.











