Bombo Radyo Baguio

P1,000 birthday cash gift para sa registered Senior Citizens, isinusulong sa Baguio City

BAGUIO CITY — Isinusulong ni Councilor Leandro Yangot Jr. ang isang panukalang ordinansa na magbibigay ng P1,000 cash gift sa bawat rehistradong senior citizen sa kanilang kaarawan bawat taon.

Layunin ng panukala na kilalanin ang kontribusyon ng mga nakatatanda, ipagdiwang ang kanilang mahabang buhay, at magbigay ng maliit na tulong-pinansyal bilang tanda ng pagpapahalaga at pangangalaga sa lipunan.

Ayon sa panukala, ang benepisyo ay para lamang sa mga rehistradong senior citizen ng Baguio City na sumusunod sa eligibility requirements.

Ang bawat kwalipikadong senior citizen ay makatatanggap ng cash gift na P1,000 sa kanilang kaarawan bawat taon, bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa lungsod.

Upang maging kwalipikado, ang senior citizen ay dapat:

Ang pamamahagi ng cash gift ay pangangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), kasama ang mga barangay o sa pamamagitan ng electronic payment system ayon sa ituturing na mas epektibo ng City Treasurer’s Office. Nakalaan na maipamahagi ang cash gift sa buwan ng kaarawan upang masiguro ang tamang oras ng pagkilala.

Para sa verification at initial registration, maaaring hingin ang sumusunod:

Ang pondo para sa programa ay manggagaling sa 1% allocation para sa senior citizens.

Sa kasalukuyan, ang panukalang ordinansa ay naaprubahan na sa first reading ng Baguio City Council at inirefer sa Committee on Appropriations and Finance Cluster A para sa karagdagang pagsusuri.

Exit mobile version