Hindi muna inererekomenda o pinapagayan ng Mayor’s Office ang pagbisita sa Atok, Benguet dahil sa nararanasang sama ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Atok Mayor Franklin Smith, sinabi niyang kung maaari, ipagpaliban muna ang pagbiahe sa kanilang munisipyu dahil sa hindi ligtas ng kondisyon ng kalsada, at ang biglaang pagguho ng lupa.
Ayon sa kanya, kung maaari ay bumisita na lamang sa munisipyo sa panahon ng “dry season” dahil mas ligtas at mas maganda ang makikita doon.
Dagdag pa niya, posibleng kaseng ma-stranded ang mga bisita sa oras na lumakas ang ulan o mangyari ang pagguho ng lupa.
Maipapaalang noong nagdaang taon, may mga na stranded na mga motorista na umabot sa 500 dahil sa pagguho ng lupa sa section ng Baguio-Bontoc road partikular sa Barangay Sayangan sa Atok, Benguet.
Umabot ng apat na oras na naghintay ang mga motorista bago ulit sila nakadaan sa nasabing kalsada.
Samantala, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng clearing operations ng mga awtoridad at volunteers sa mga kalsada sa Atok, Benguet, maging mga kalapit na munisipyo gaya ng sa Tuba, Benguet partikular sa Kennon Road dahil sa epekto ng nagdaang bagyo at ang nararanasang Southwest moonsoon o Habagat.
Sa Atok, Benguet, agad na nalilinisan ang mga kalsada katuwang ang DPWH at iba’t ibang pribadong kontraktor sa pamamagitan ng koordinasyon ng opisina ni Mayor Smith.
Ayon kay Smith, patuloy pa ring binabantayan ng mga kinauukulang opisyal ang ibat-ibang lugar sa mga barangay lalo na sa mga landslide prone areas.