BAGUIO CITY – Puspusan na ang paghahanda ng Philippine Military Academy (PMA) sa nalalapit na pagtatapos ng Philippine Military Academy (PMA) Bagong Sinag Class of 2024 cadets sa Fort Gregorio del Pilar, Baguio City sa Sabado, Mayo 18.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Major Ma. Charito Dulay, Chief of Public Affairs Office ng Philippine Military Academy, sinabi niya na nakikipag-ugnayan sila sa Office of the President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa nasabing Commencement exercise.
Sinabi pa niya na inaasahan ang pagdalo ng iba pang mga matataas na opisyal ng Pilipinas sa Sabado habang ang ilan sa mga magalung ng mga kadete ay inaasahan ang maagang pagdating sa lungsod lalo na ang mga nagmula sa Visayas at Mindanao.
Ang Philippine Military Academy (PMA) Bagong Sinag Class of 2024 ay binubuo ng 278 kadete na magtatapos kabilang ang 224 na lalaki at 54 na babae.
Sa nasabing bilang, 144 ang sasali sa Philippine Army; 62 sa Philippine Air Force, at 72 sa Philippine Navy.
Bukod pa rito, bukas ay magaganap ang Cadet Corps Armed Forces of the Philippines Sports Achievement Awarding Ceremony and Athletic Show at Ring Hop habang isasagawa ang Awarding Ceremony for Outstanding Cadets and Cadet Corps Armed Forces of the Philippines Units sa Mayo 17.
Samantala, nagsimula na ang online application para sa mga gustong magiging miyembro ng Philippine Military Academy Class of 2029 noong Mayo 1 ngayong taon habang ito ay magtatapos sa buwan ng Agosto 1.
Hinihikayat naman ng nasabing opisyal ang lahat ng interesadong maging bahagi ng Philippine Military Academy na mag-enroll ang mga ito.