--Ads--

BAGUIO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng mga law enforcement agencies ang insidente ng ‘ligaw na bala’ injury sa Purok 7, Irisan, Baguio City noong bisperas ng Bagong Taon.

Kinilala ang biktima na isang Pari, 60, residente ng Holy Family Parish, Bakakeng North, Baguio city.

Ayon kay PCol. Francisco Bulwayan Jr., City Director ng Baguio City Police Office, nagtamo ng minor injuries ang biktima.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagtungo ang biktima sa Purok 7, Irisan para sa banal na misa at para makilahok sa fireworks display.

Habang nanonood ng fireworks display kasama ang mga miyembro ng simbahan, naramdaman ng biktima ang pangangati sa kaliwang balikat at napansin niya ang bala at dumudugo pa ito na pinaniniwalaang Caliber 9mm ang pinagmulan ng nasabing bala.

Gayunpaman, nasa kustodiya ng Forensic group ang bala para sa karagdagang pagkakakilanlan ng mga baril at ballistic examination.