Halos 12,400 marijuana plants na may tinatayang halaga na P2.48 milyon ang sinunog ng mga awtoridad sa Barangay Badeo, Kibungan, Benguet, mula Marso 9 hanggang 10, 2026.
Kasama sa operasyon ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Cordillera (PDEA-CAR) Ifugao Provincial Office, Baguio/Benguet Provincial Office, Kibungan Municipal Police Station, at Benguet 2nd Police Mobile Force Company. Ang mga halaman ay natagpuan sa apat na lokasyon na may kabuuang lawak na 1,550 square meters.
Sa bawat site:
- Plot 1: 2,800 halaman, P560,000
- Plot 2: 2,000 halaman, P400,000
- Plot 3: 5,600 halaman, P1,120,000
- Plot 4: 2,000 halaman, P400,000
Lahat ng halaman ay sinunog sa lugar mismo. Walang inaresto sa operasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang may-ari ng lupa at nagtanim ng marijuana.
Ayon sa batas, ang marijuana ay ilegal sa bansa. Ang pagmamay-ari, pagbebenta, o pagtatanim nito ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may parusang habambuhay na pagkakakulong at multa mula P500,000 hanggang P10 milyon.










