Baguio City- Pinaghahandaan na ng phenom race car driver na si Iñigo Anton ang muling pagkarera nito sa Formula 4 SEA Championship sa tanyag na Petronas International Circuit sa Sepang, Malaysia at Buriram International Circuit sa Thailand ngayong taon.
Kakarera ang Baguio boy racer gamit ang The Black Arts Racing Team kung saan magsisilbing coach nito ang dating F1 driver na si Alex Yoong.
Kamakailan lang ay ginawaran ang 20-anyos champion racer ng Motorsport Achievement Award 2024 mula sa Golden Wheel Awards Foundation Inc.
Noong nakaraang taon, nakuha din ni Iñigo ang back to back rookie race wins sa F4 AUS.
Nagtagumpay pa ang star driver sa iba pang international races noong 2024 tulad ng 2024 Toyota Gazoo Racing Vios Cup.
Maliban pa diyan, hinirang din siya bilqng nag-iisang racer na nagwagi sa TGR Vios Super Sporting Championship ng dalawang beses.
Mula nang lumahok si Iñigo sa car racing sa edad na walo, naging kampeon na ito sa ibat ibang karera dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Pinasok niya ang larangang ito dahil sa impluwensya ng kanyang ama na si Carlos Anton na isa din race car driver at tumatayo ding coach nito at kanyang ina na si Karen Navarette Anton bilang manager.//Via Bombo Jordan Tablac