--Ads--

Nahatulan ng dalawang taon na pagkakakulong ang isang Pinay sa Arizona, USA matapos niyang tangkaing patayin ang kanyang asawang Amerikano.

Ayon sa ulat, nabisto sa CCTV na nilalagyan ng suspek ng bleach ang kape ng kanyang mister.

Kinilala ang suspek na si Melody Johnson, 40-anyos habang ang biktima ay si Roby Johnson, miyembro ng US Air Force.

Ayon pa sa report, naghihinala ang biktima na nilalason siya ng kanyang asawa kaya naglagay siya ng surveillance system sa kanilang bahay sa Tucson, Arizona.

Inamin naman ng biktima ang kanyang ginawa dahil sa ipinakitang ebidensiya.

Posible umanong ang benepisyo na makukuha ni Melody kapag mamatay ang kanyang asawa ang motibo sa nasabing krimen.

Sa kasalukuyan ay may isang anak ang dalawa at sumasailalim na ang mga ito sa divorce proceedings.