BAGUIO CITY – Puspusan na ngayon ang paghahanda sa huling dalawang linggo ang training camp ng Pinoy boxing champion na si “King” Arthur Cordero Villanueva sa nalalapit niyang laban na magaganap sa Overtime Elite Arena, Atlanta, Georgia sa Amerika sa Marso 29.
Makakaharap ng Filipino pride ang pambato ng Amerika na si Elijah Pierce sa 8-round fight sa mas mabigat na division ang Super Bantamweight.
Ayon sa 35 anyos na tubo ng Negros Occidental, kailangan nilang paghandaan ang mas bata at mas matangkad na si Pierce dahil sa napakataas na knock out percentage rate nito at nasa nine winning streak.
Dagdag pa ng dating Bantamweight champion na kasama sa kanilang game plan na kapain muna ang kalaban sa mga unang rounds saka nila papasukin ang depensa kapag nasukat niya na ang lakas at galaw nito.
Magiging bentahe pa ni Villanueva ang kanyang speed at counter punching na gagamitin niya sa 27 anyos na southpaw boxer.
Inspirado pa ngayon ang pinoy boxer dahil ang mananalo sa laban na ito ay papasok sa title eliminator na susi upang makabaik ito sa isang world title fight.
Hawak ngayon ng Filipino ring brawler ring record na 34 wins, 20 Knockouts at apat na pagkatalo. Dati siyang naghari s Oriental at Pacific Boxing Federation super flyweight belt.
Naiuwi din niya ang WBO Asia Pacific super flyweight, WBO International super flyweight, IBF International Jr Bantamweight at WBC International Super Flyweight belts.//Bombo Jordan Tablac