BAGUIO CITY – Ikinatuwa at walang sisidlan ng tuwa ang nararamdaman ngayon ng isang pinoy martial arts coach na tubo ng Baguio City sa koponan ng Ultimate Fighting Championship o UFC strawweight world champion na si Zhang Weili dahil nabigyan ito ng tatlong taon na kontrata para manatili sa China.
Ayon kay Cordilleran coach Benedicto Alumno, hindi niya sukat akalain na magiging parte siya bilang striking coach ng Chinese mix martial arts super star kung saan hinangaan din siya ng iba pa niyang kasamahan na mga coaches.
Dagdag pa niya na lalo pa niyang pagbubutihin ang kanyang papel bilang striking coach ng two time UFC champion kung saan target sana nilang patulugin sa pamamagitan ng knockout ang huling nakalaban ni Zhang na isa din Chinese stiker.
Ito na ang pangalawang championship fight na nakasama ito sa entourage ni Zhang at lagi din itong kasama sa training camp na naisasagawa sa ibat ibang bansa.
Dahil dito, hindi rin niya sasayanging ang napakalaking pagkakataon na ibinigay sa kanya ng manager at handlers ng Chinese champion dahil dito din niya maipapakita ang world class talent ng mga pinoy coaches.
Sa ngayon nanatili si coach Alumno sa Beijing, China at dito nagsisilbi din itong fitness trainer at striking coach ng iba pang mma fighters sa gym na pag mamay-ari ng Chinese mma champion.
Si Alumno ay nagsimula bilang boksingero at lumipat sa larong Muay Thai kung saan nakasama niya sa Philippine National Team si two time One Lightweight Champion Eduard Folyang na lumaban sila sa World Muay Thai Championship.