Ipinihayag ni Mike Cabangon, pinuno ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa rehiyon ng Cordillera, ang kanyang pagkalungkot kasunod ng pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang pagtaas sa kita ng mga manggagawa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ng opisiyal na kabalbalan ang pahayag ng ahensya dahil noong nakaraang taon ay wala ring naitalang pagtaas sa sahod.
Kinuwestiyon din niya ang kalagayan sa kasalukuyang gobyerno at iminungkahi na pagbigyan ng administrasyon ang kanilang mga kahilingan, lalo na ngayong nagpapatuloy ang krisis na nagdudulot ng tensyon sa pagitan ng US at Israel laban sa Iran, upang maibsan ang hirap ng mga manggagawa.
Muling iginiit ng opisyal na dapat matugunan ang P1,200 na sahod ng pamilya kada araw sa bansa. Aniya, mas makabubuti ito kaysa sa aniya’y “coin” o maliit na pagtaas ng suweldo kada araw.
Samantala, hiniling din niya na ipawalang-bisa ang Oil Deregulation Law at ang Excise Tax.










