--Ads--

BAGUIO CITY – Nag-resign na bilang superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) si Lt. Gen. Ronnie Evangelista kasunod ng pagkamatay ni Cadet 4CL Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Aniya, natapos at nakompleto na ang mga report sa administrative at criminal cases laban sa mga responsable kaya susunod na ang prosecution procedures.

Sinabi niya na ito ang tamang panahon para umalis siya sa pwesto kasama ang commandant of cadets na si Brig. Gen. Bartolome Bacarro.

Isinumiti na niya ang kanyang resignation kay Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines kung saan gagawin na lamang niya ang natitirang gawain na dapat niyang gawin habang hinihintay niya ang official orders.

Dinagdag niya na bahala na ang proper authority na magdesisyon sa finality ng kaso.

– ni resigned PMA Supt. Lt. Gen. Ronnie Evangelista

Kinumpirma din ni AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na nag-resign din sa pwesto si Brig. Gen. Bacarro.

Samantala, narito ang mga opisyal ng PMA na na-relieved na dahil sa naging lapses ng mga ito sa kaso ni Cadet Dormitorio:
– Maj Rex Bolo, senior tactical officer
– Capt Jeffrey Batistiana, company tactical officer
– Col Cesar Candelaria, commanding officer, PMA Station Hospital
– Capt Flor Apple Apostol, attending physician, PMA Station Hospital

Narito din ang recommendation sa mga kadeteng may kinalaman sa nangyaring pag-hazing kay Cadet Dormitorio:
⦁ dismissal from PMA due to direct participation
– 3CL Shalimar Imperial (squadmate)
– 3CL Felix Lumbag (squadmate)

⦁ dismissal from PMA for encouraging maltreatment
– 1CL Axl Rey Sanupao

⦁ under the principle of command responsibility
– 2CL Nickoel Tamil – squadmate, dismissal from PMA
– 1CL Christian Correa – platoon leader – for 1-yr suspension
– 1CL Elbert Lucas – echo company commander – for 1-yr suspension

⦁ under the sundial covenant
– 1CL Irvin Sayod, floor inspector, class 1 offense or 180 days confinement at PMA’s holding center